Justin Bieber at model na si Hailey Baldwin, engage na

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 09, 2018 - 06:59 AM SHARE(S):

Engaged na ang pop star na si Justin Bieber at modelong girlfriend nito na si Hailey Baldwin.

Isang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang magsimulang mag-date ang dalawa.

Nag-propose ang 24-anyos na singer sa 21-anyos na si Baldwin sa isang dinner sa restaurant sa The Bahamas.

Sa ulat ng celebrity news site na TMZ, marami ang nakasaksi sa naganap na proposal bagaman sinabihan sila ng security team ni Bieber na itago ang kanilang mga cellphone at huwag irecord ang kaganapan.

Bagaman walang kumpirmasyon mula sa kampo ni Bieber, nag-post sa Instagram ang kaniyang tatay na si Jeremy at sinabing excited na siya sa panibagong chapter.

Si Hailey Baldwin ay anak ng aktor na si Stephen Baldwin at pamangkin ni Alec Baldwin.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.