Angel Locsin ipinamalas ang shooting skills

By Justinne Punsalang July 08, 2018 - 02:02 PM SHARE(S):
Angel Locsin Instagram

Isang woman with many talents talaga ang aktres na si Angel Locsin.

Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi ni Angel ang kanyang bagong pinagsasanayang kaalaman — at ito ang pagbaril.

Sa naturang post, mapapanood si Angel na halos walang palya sa pagbaril sa kanyang mga target.

Caption lamang ng post ang salitang ‘Testing,’ ngunit marami sa mga netizen ang na-impress sa galing ng Kapamilya actress.

Bukod sa pagbaril ay nagsasanay rin si Angel sa knife-fighting.

Sa ngayon ay naghahanda si Angel para sa kanyang nalalapit na teleseryeng “The General’s Daughter” kung saan makakasama niya ang iba pang bigatin na mga aktor katulad nina Tirso Cruz III, Albert Martinez, Eula Valdez, Janice de Belen, at Ryza Cenon.

Testing…

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on Jul 6, 2018 at 2:38am PDT

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.