Konsehal, patay sa pamamaril sa Zamboanga

By Angellic Jordan July 07, 2018 - 01:44 PM

Inquirer file photo

Patay sa pamamaril ang isang bagong halal na konsehal ng Barangay Santa Catalina sa Zamboanga bandang 7:30, Sabado ng umaga.

Ayon kay PCInsp. Shelamae Tubo-Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, binaril si Michael Magallanes malapit sa mismong bahay nito sa Betty 2 Store.

Aniya, patungo sana ang 38-anyos na konsehal sa isinasagawang barangay feeding program nang gawin ang krimen.

Naitakbo pa aniya ang biktima sa ospital ngunit idineklara nang dead-on-arrival.

Ayon naman kay City Councilor Jimmy Villaflor, nakapagtataka ang pagpatay sa kaibigang konsehal dahil malinis aniya ito at walang anumang masamang record.

TAGS: Michael Magallanes, Pamamaril, Zamboanga City Police Office, Michael Magallanes, Pamamaril, Zamboanga City Police Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.