3 ang patay kabilang ang 2 estudyante sa aksidente sa Zamboanga del Norte

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 12:49 PM

CREDIT: Ademar Yan Adaza Ochotorena

Patay ang tatlong katao makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa bayan ng Katipunan sa Zamboanga del Norte.

Dalawa sa nasawi ay kapwa estudyante ng Seroan National High School na kinilalang sina Jeann Adaro Quitoan, 13-anyos; Ira Adaro Quitoan, 15-anyos; habang ang isa pang nasawi ay ang 50-anyos na si Wilihado Ugbad Lumanda na pawang residente ng Brgy. New Rizal sa Sergio Osmeña.

Ayon kay PO3 Jerich Ramos ng Katipunan Police, maliban sa tatlong nasawi, lima pa ang sugatan sa nasabing aksidente.

Nahulog sa bangin ang jeep na sinasakyan ng mga bitkima na minamaneho ni Rex Abuhan sa bahagi ng Seroan Provincial Road.

Ayon sa driver ng jeep, napansin umano niyang wala nang preno ang kaniyang sasakyan hanggang sa mahulog na ito sa bangin.

Ang ibang mga pasahero ay nagawang makatalon ng jeep.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: accident, provincial, Radyo Inquirer, Zamboanga del Norte., accident, provincial, Radyo Inquirer, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.