Gilas Pilipinas, dinepensahan ni Coach Chot Reyes

By Rod Lagusad July 03, 2018 - 08:38 AM

Mismong si Coach Chot Reyes na ang nagsabing hindi katanggap-tanggap ang nangyaring gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia pero kanyang agad na dinepensahan ang kanyang mga manlalaro.

Aniya, nag-react lang ang mga manlalaro ng Gilas sa mga dirty tactics na ginawa ng kabilang koponan, partikular na si Daniel Kickert.

Ayon kay Reyes, sa warm-up palang ay pino-provoke na ni Kickert ang koponan.

Para kay Reyes ay maaring ito ang strategy ni Kikert para i-intimidate ang Gilas.

Dagdag pa niya, naiintindihan niya ang mga pagkadismya ng ilan sa nagyaring gulo.

Pero kanyang binigyang diin na hindi alam ng mga kritiko ang tunay na nangyari na siyang humantong sa gulo.

TAGS: Australia, Coach Chot Reyes, Daniel Kickert, Gilas Pilipinas, Australia, Coach Chot Reyes, Daniel Kickert, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.