WOW IT’S SHOWBIZ by Fernan ‘Ms F’ de Guzman

June 18, 2015 - 07:58 AM

FERNAN DE GUZMANNAINTERBIYU ng Team Ms F sa Wow It’s Showbiz si Eula Valdez kahapon Wedneday after na manalo siyang best actress sa katatapos na 38th Gawad Urian sa movie na “Dagitab”.. Halatang may hang-over pa siya dahil nga super saya niya at talagang naikuwnto niya na suntok sa buwan ang kanyang pakiramdam nang um-attend siya sa gabi ng parangal.

“Hindi na sana ako a-attend, kasi nga feeling ko hindi naman ako manananalo.’Yung mga kalaban ko, magagaling talaga at nanalo na sa ibang bansa. Suntok sa buwan talaga,” sabi niya.

“Dahil nga nabago angb plno um-attend ako, at para di masayang ay nagmiron na lang ako. Pa-picture dito at pag-picture dun. Gusto ko pa ngang magpa-picture kay Ms Mora Aunor , kaso malayo ang upuan niya.” dagdag pa niyang tsika.

Hanggang nang pangalan niya ang tawaging winner ay hindi talaga siya makapaniwala.

“Feeling ko nananaginip klang ako, kasi nung nasa dressing room ay nakatulog ako sa kakakahintay, presentor kasi ako. Naghihikab pa ako nang i-focus ang camera na ako ang nanalo At sinampal samapal ko ang mukha ko baka di totoo na winner,” sey pa niya.
” Feeling ko nga kumpleto na ang pagiging artista ko, At gusto kong i-share sa mother ko ang aking trophy. Pangarap niya kasi akong magkaroon ng acting award. Natatatandaan ko nuon na sdabi niya, “Anak magkaroon ka lang ng award, puwede na akong mamatay.” Sabi ko naman, hindi na lang ako magkaka-award, wag ka lang mamatay,” pahayag ni Eula.

Kung ganoon, sa pagkapanalo niya kagabi, tiyak na nakangiti ang kanyang Mamang.

-000-

Naka-12 million!

Panalo! Yes, ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa first day of showing ay ng movie nilang “Just The Way You Are” ng Star Cinema. Hindi nagkamali sila nagkamali na gumawa kaagad ng movie na pagtatambalan. After ng top rated show na “Forevermore” ay heto nga at naka 12 million ang kinita sa first day.

Bongga, diba? kinunsinder na nga silang dalawa ngayon na “the new box-office loveteam. At huwag magpapabaya ang lovetem nina “Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil baka isang araw ay naungusan na sila.

Nang makausap nga namin si Liza via live phone patch sa Radyo Inquirer Nueve Nuventa ay laking pasasalamat niya sa mga sumusuporta sa kanya. At hindi lang dito sa Pinas kungdi sa Amerika ay magkakaron sila ng premier night. Kabog!

TAGS: Enrique Gil, Eula Valdez, Liza Soberano, Wow It's Showbiz, Enrique Gil, Eula Valdez, Liza Soberano, Wow It's Showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.