7 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa NLEX

By Rose Cabrales June 29, 2018 - 09:29 AM

Sugatan ang pitong katao sa karambola ng apat na sasakyan sa North Luzon Expressway.

Naganap ang aksidente pasado alas 7:00 ng umaga pagkalagpas ng Meycauayan Exit.

Ayon kay Angelo Angeles ng NLEX Traffic Control Room, sangkot sa aksidente ang apat na sasakyan kabilang ang isang Hi-Lux, L300, Innova at Nissan Urvan.

Ani Angeles, pawang minor injuries lamang naman ang natamo ng mga sugatan at agad ding nalapatan ng lunas.

Pasado alas 8:00 ng umaga nang maitabi ang mga sangkot na sasakyan pero nagdulot na ito ng paghaba ng traffic na umabot sa hanggang tatlong kilometro.

Iniimbestigahan pa kung ano ang naging ugat ng aksidente.

 

TAGS: accident, North Luzon Expressway, Radyo Inquirer, accident, North Luzon Expressway, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.