Drug suspek patay sa engkwentro sa Maynila

By Justinne Punsalang June 29, 2018 - 04:43 AM

Nauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Barangay 905, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang nasawing drug suspek na si Joseph Makato na residente lamang sa lugar.

Ayon kay Manila Police District Station 6 Commander, Police Superintendent Dave Mejia, nakatunog si Makato na pulis pala ang kanyang katransaksyon kaya agad na bumunot ng baril at nagpaputok.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga pulis.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Bukod sa pagtutulak ng droga ay nabatid na sangkot rin si Makato sa iba pang krimen kagaya ng murder, attempted rape, at extortion.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 baril, 13 sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.