Dating kapitan ng barangay ng Marawi City, natagpuang patay sa Iligan City

June 28, 2018 - 03:15 PM

Natagpuang patay ang isang dating kapitan ng barangay ng Marawi City sa Barangay Ubaldo Laya sa Iligan City.

Kinilala ang nasawi na si Abdulkair Radia alyas Abul Radia na dating kapitan ng Barangay Bubong Madaya.

Nakahandusay ang katawan ni Radia sa C3 Road. Tinakpan ito ng kumot at may nakalagay na cardboad. Nakasulat dito na magnanakaw, rapist at tulak ng droga umano si Radia.

Ayon kay Senior Inspector Feliz Rabago, hepe ng Iligan City POlice Station 4, walang nakitang sugat sa katawan ni Radia, maliban na lamang sa mga pasa at pamamaga.

TAGS: ligan City, Marawi City, Rohanisa Abbas, ligan City, Marawi City, Rohanisa Abbas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.