Kaso ng leptospirosis tumaas ayon sa DOH

By Rohanisa Abbas June 28, 2018 - 11:36 AM

Nababahala ang Department of Health dahil sa halos 100 katao ang nasawi dahil sa leptospirosis sa bansa ngayong taon.

Ayon sa DOH, umabot sa 1,030 kaso ng leptospirosis ang kanilang naitala mula January 1 hanggang June 9 ngayong taon.

Ipinahayag ni Health Undersecretary Eric Domingo na nasa 10% ang fatality rate ng naturang sakit. Aniya, 99 sa mga kasong ito ang nakumpirmang nasawi.

Ayon kay Domingo, tumaas ang mga kaso ng leptospirosis sa nakalipas na linggo dahil sa malakas na mga pag-ulan na nagdulot ng mga baha na kontaminado ng ihi ng daga.

Sinabi ni Domingo na ilan sa mga sintomas ng sakit ang lagnat, pananakit ng ulo at ng kalamnan, hirap umihi at pag-ubo nang may kasamang dugo.

Hinimok ni Domingo ang mga posibleng may impeksyon na agad na magpakonsulta sa doktor.

TAGS: department of health, Health, Leptospirosis, Radyo Inquirer, department of health, Health, Leptospirosis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.