Tauhan ng Manila traffic bureau patay sa pananambang

By Erwin Aguilon June 27, 2018 - 11:46 AM

Isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ang nasawi makaraang pagbabarilin sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa impormasyon mula sa Manila Police District (MPD) Homicide Divsion nagsasagawa ng clearing operations sa lugar ang biktima nang pagbabarilin nang hindi pa nakikilang salarin.

Kaagad isinugod sa opsital ang biktima pero hindi na nagawa pang mailigtas ng mga manggagamot.

Kaagad namang tumakas ang suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

TAGS: ambush, Tondo Manila, ambush, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.