Pangulong Duterte tinawag na walang silbi ang sarili dahil sa resulta ng SWS survey

By Chona Yu, Len Montaño June 27, 2018 - 02:29 AM

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili na walang silbi kasunod ng resulta ng survey na nagpapakita na 1.5 milyong pamilyang Pilipino ang nabiktima ng common crimes.

Sa kanyang talumpati sa Zambonga del Sur, binanggit ng pangulo ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey para igiit na crime-ridden ang bansa.

Sa SWS survey, 6.6% ng mga pamilyang Pinoy ang nabiktima ng pickpocket, break-in, carjacking, at physical violence sa unang bahagi ng 2018.

Pero sinabi ng pangulo na dahil sa survey ay lumalabas na wala siyang silbi kaya mag-resign na lang umano silang mga opisyal ng gobyerno.

“Pag ganito, wala akoy silbi, I’ll ask you to join me, mag-resign na lang ta. Hindi ito amin, hindi sa gobyerno. You know, because you know, people are really very cynic, pagka galing sa gobyerno, they take it with a grain of salt or become cynic. Ayaw maniwala. Eh papaano ‘to ngayon?,” ani Pangulong Duterte.

Ayon kay duterte, ang bilang ay hindi galing sa gobyerno pero dahil ayaw aniyang paniwalaan kapag galing ang figure sa pamahalaan ay paano na raw ang bansa ngayon kung puro krimen.

Samantala, inutusan ng pangulo si Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año na magsagawa ng audit sa mga lugar na marami ang droga at krimen.

Kapag wala aniyang ginawa ang lokal na opisyal laban sa terorismo at droga ay sasampahan ito ng kaso.

“I do not mean to offend you. But the yoke of burden does not fall on me exclusively. Hindi ko kaya itong republika na ito na patakbuhin kung wala kayi,” dagdag pa ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.