LOOK: Mga motorista at pasahero naperwisyo ng aksidente sa MacArthur Highway sa Malabon

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 09:14 AM

Inquirer.net Photo | Nestor Corrales

Naperwisyo ng husto ang mga motorista at mga pasahero sa kahabaan ng MacArthur Highway dahil sa aksidenteng kinasangkutan ng isang trailer truck.

Inquirer.net Photo | Nestor Corrales

Inabot kasi ng ilang oras bago tuluyang maialis sa lugar ang trailer truck na umararo sa concrete barrier sa MacArthur Highway sakop ng Malabon.

At bagaman sa northbound lane nangyari ang aksidente, naiusog ng truck sa southbound lane ang concrete separator dahilan para humarang ito sa mga sasakyan.

Marami sa mga pasahero ang napilitan na lamang na maglakad dahil ilang oras na walang galawan ang daloy ng traffic.

Valenzuela City FB Page

Sa abiso naman ng Valenzuela City Government, tumulong ang kanilang motorpool para maalis sa lugar ang truck.

Alas 8:40 na ng umaga nang maalis sa lugar ang naaksidente truck at maibalik sa normal ang daloy ng traffic.

TAGS: accident, Radyo Inquirer, trailer truck, Valenzuela City, accident, Radyo Inquirer, trailer truck, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.