Sunog sa Boracay

June 17, 2015 - 08:25 PM

boracay-talipapa-fire
Kuha ni Pia Miraflores/Contributed Photo

Tinupok ng apoy ang hilera ng mga establisimiyento sa pamilihang bayan sa isla ng Boracay, lalawigan ng Aklan Miyerkules ng hapon.

Nagsimula ang  sunog dakong alas 2:50 ng hapon at nakontrol lamang ng mga kagawad ng pamatay sunog pasado alas 5 ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa isla, nilamon ng apoy ang mga maliliit na puwesto sa Talipapa Bukid na napapaligiran din ng mga boarding house.

Sa pinakahuling ulat, wala namang naiuulat na nasaktan o nasugatan sa naturang insidente.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala nito. / Jay Dones

TAGS: boracay, fire, Radyo Inquirer, boracay, fire, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.