Senador Gatchalian nabiktima ng PCOO

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 02:53 AM

Sherwin Gatchalian Twitter

Muli namang pumalpak ang Presidential Communication Operations Office (PCOO).

Sa pagkakataong ito, pangalan naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang namali sa isang news release na inilabas ng nasabing ahensya ng pamahaalan.

June 13 nang ilabas ng PCOO ang news release tungkol sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagbigay ng de kalidad at murang edukasyon para sa lahat sa pamamagitan ng pagsaksi sa paglagda ng Commission on Higher Education (CHEd), 112 mga state universities and colleges (SUCs), at 78 local universities sa memorandum of agreement (MOA) upang mailunsad na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa loob ng naturang artikulo, nakasaad na kasamang sumaksi sa naturang signing si Senador Gatchalian ngunit ang pangalan na nakalagay ay Winston imbes na Sherwin.

Mismong si Gatchalian ang nakapuna nito at ipinost pa sa kanyang official Twitter account kasama ang caption na “May pagasa pa ba ang PCOO???”

Matapos ang pagpuna dito ng senador ay agad na inaksyunan ito ng PCOO sa pamamagitan ng pag-ayos ng pangalan ni Gatchalian at pag-iisyu ng erratum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.