Magnanakaw ng motor arestado sa Quezon province

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 12:32 AM

Natimbog ng mga pulis ang isang magnanakaw ng motor matapos magsagawa ng drug buy bust operation sa Barangay Camaysa, Tayabas, Quezon.

Nakilala ang suspek na si Julio Añonuevo alyas July.

Ayon sa mga otoridad, nagkasa sila ng drug buy bust operation laban kay Añonuevo kung saan nakumpiska nila ang limang piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang motorsiklo.

Nang siyasatin ay napag-alaman na nakaw pala ang nasabing motorsiklo.

Dahil dito, bukod sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay mahaharap din si Añonuevo ng kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.