P500K shabu nasabat sa buy bust operation sa Caloocan City

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 12:50 AM

Arestado ang dalawang notorious na tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa kahabaan ng McArthur Highway na sakop ng Barangay 15, Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jocelyn Dalagan, 39 na taong gulang at Kenneth Maclan, 42 taong gulang na isang negosyante.

Ayon sa Northern Police District, kapwa newly identified drug pusher sina Dalagan at Maclan na nag-ooperate sa Caloocan at Bulacan.

Narekober mula sa dalawa ang tatlong plastic na naglalaman ng nasa 150 gramo ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.

Bukod pa ito sa isang itim na Hyundai Sonata Theta II na may plakang PIC 275 na hinihinalang ginagamit ng mga suspek sa kanilang mga transaksyon.

Ayon sa mga otoridad, natunton at nahuli sina Dalagan at Maclan matapos mahuli sa isa pang operasyon si Marife Dominguez.

Kapwa mahaharap ang dalawang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.