Oplan Tambay inilunsad na rin sa Cebu City

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 03:47 AM

Sinimulan ng Cebu City Police ang Oplan Tambay sa pamamagitan ng information dissemination.

Biyernes ng gabi nang magsimulang umikot sa mga lansangan ng Cebu City ang mga otoridad upang ipaalam sa mga residente na simula sa darating na linggo ay mahigpit na nilang ipatutupad ang Oplan Tambay.

Partikular na nilapitan ng mga pulis ang mga lalaki na walang suot na damit pang-itaas at pagala-gala sa mga kalsada.

Sa pag-iikot ng pulisya, 305 ang winarningan dahil sa paglabag sa city ordinance.

Mula sa nasabing bilang, 73 ang walang suot na damit pang-itaas, 60 ang nag-iinom sa kalsada, habang 34 naman na mga kabataan ang nahuling lumabag sa curfew.

Nakatanggap rin ng warning ang 6 na lumabag sa anti-dispatching ordinance, 44 na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar, 11 ang gumagamit ng roller skates sa mga kalye, 6 dahil sa noise pollution, at 7 naman sa pag-ihi at pagdura sa mga pampublikong lugar.

Umaasa si Cebu City Police Director, Senor Superintendent Joel Doria na sa pagpapatupad ng Oplan Tambay ay mababawasan ang crime volume, kasabay ng paghuli sa mga wanted sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.