US magpapadala ng mga kabaong sa NoKor para sa mga labi ng kanilang mga sundalo

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 03:45 AM

AFP Photo

Plano ng US military na magpadala ng 215 na mga kabaong sa North Korea upang masimulan na ang repatriation ng mga labi ng mga Amerikanong sundalong nasawi sa Korean War.

Ito ang iniulat ng South Korean news agency na Yonhap kung saan sinabi ng isang hindi pinangalanang source na nakatakdang tumawid sa border ng NoKor ang 30 US military vehicles na may karga ng mga kabaong.

Matatandaang sa naganap na pagpupulong sa pagitan ni US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un ay pumayag si Kim na makabalik na ng Estados Unidos ang mga labi ng mga Amerikanong sundalong nasawi sa Korean War noong 1950 hanggang 1953. Bukod pa ito sa pagsisimula ng denuclearization ng bansa.

Nabalam ng mahigit isang dekada ang pagrekober sa mga labi ng mga sundalong Amerikano dahil sa paggawa ng NoKor ng mga nuclear weapon na nagdulot ng hindi tiyak na seguridad para sa mga recovery teams.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na komento ang United States Forces Korea, maging ang Defense Ministry ng South Korea patungkol sa nasabing pagsisimula ng repatriation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.