P296.2M ibibigay ng US para sa rehabilitasyon ng Marawi City

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 03:38 AM

Nangako ang Estados Unidos na magbibigay ng karagdagang P296.2 milyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa isang pahayag, sinabi ng US Embassy na mula sa nasabing halaga, P136.1 milyon dito ay ilalaan para sa mga internally dispaced persons, partikular ang mga kababaihan at kabataan.

Paliwanag ng embahada, ito ay upang mai-promote ang kahalagahan at patuloy na maisama ang mga kababaihan sa muling pagbangon at rehabilitasyon ng Marawi.

Layon din nito na makatulong sa nagaganap na humanitarian assistance work sa loob at sa paligid ng lungsod.

Samantala, ang natitirang P160.1 milyon naman ay ilalaan para sa livelihood training at recovery grant, maging ang water and sanitation ng 10,000 mga pamilyang apektado ng kaguluhang nangyari sa Marawi City.

Ayon sa US Embassy, padadaanin ang naturang dagdag ayuda sa United States Agency for International Development (USAID).

Nauna nang nagbigay ng P1.7 bilyon ang pamahalaan ng Estados Unidos upang makatulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.