Kumpanyang Petro Gazz magpapatupad ng rollback ngayong araw

By Erwin Aguilon, Justinne Punsalang June 24, 2018 - 01:32 AM

Kasunod ng anunsyo tungkol sa nakaambang big time oil price roll back ng mga insider sa oil industry, ay naglabas naman ng abiso ang kumpanyang Petro Gazz kaugnay sa kanilang ipatutupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Petro Gazz epektibo ngayong araw, June 24, pagsapit ng alas-6 ng umaga ay magpapatupad sila ng tapyas sa presyo ng langis.

P1 ang ibababa sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang P0.80 naman ang sa bawat litro ng diesel.

Hindi pa batid kung ang naturang rollback ay bukod pa sa bagsak presyo sa halaga ng mga produktong petrolyo na ipatutupad sa darating na Martes, June 26.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.