Mga naarestong tambay dapat nang palayain ayon sa isang mambabatas

By Len Montaño June 23, 2018 - 11:50 PM

Nanawagan si Kabataan Partylit Representative Sarah Elago sa pulisya na palayain na ang lahat ng inarestong tambay matapos linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya inutusan ang mga pulis na sila ay hulihin.

Sa forum sa University of the Philippines Sabado ng umaga, sinabi ni Elago na kailangang makalaya na ang mahigit 7,000 katao na anya’y iligal na inaresto dahil sa kampanya laban sa mga tambay.

Dagdag ng kongresista, dapat managot ang pangulo sa umanoy paglabag sa karapatang pantao ng mga inarestong tambay.

Giit ni Elago, sinabi mismo ng pangulo na pwedeng imbitahan ng pulis ang taong nasa kalsada at walang ginagawa dahil pwede raw magdulot ng potential harm sa publiko.

Una nang nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi target ng kanilang operasyon ang mga tambay kundi iyong mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.