Klase sa Albay suspendido dahil sa transport strike

By Len Montaño June 23, 2018 - 10:46 PM

Nagdeklara ng class suspension ang ilang mga lokal na pamahalaan at unibersidad sa lalawigan Albay dahil sa isasagawang transport strike sa Lunes, June 25.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa private at public schools sa Legazpi City, at sa mga bayan ng Guinobatan, Sto. Domingo, Daraga, at Camalig.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aquinas University sa Legazpi City.

Sa advisory, sinabi ni Albay Governor Al Francis Chua na ang suspensyon ng mga klase ay nasa discretion ng bawat local government, batay sa pagsusuri nila sa sitwasyon sa nakatakdang transport strike na inaasahang makakaapekto sa buong Bicol region.

Ayon kay Ramon Rescovilla, deputy secretary general ng Concerned Drivers and Operators (Condor-Piston) sa Bicol, inaasahan nila na 90% ng mga driver at operator ng mga transport groups sa Albay, Camarines, Sur, Camarines Norte, at Masbate ang sasama sa tigil pasada.

Magkakaroon naman ng hiwalay na mga aktibidad sa Sorsogon at Catanduanes para sa transports strike na magsisimula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 ng tanghali sa Lunes.

Binanggit ni Rescovilla ang epekto sa kanilang kabuhayan ng phase out ng mga pampasaherong jeepneys na may edad 15 taon pataas at ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kaya nagtakda sila ng tigil pasada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.