Hatol na guilty kay Dennis Roldan dahil sa kasong kidnapping pinagtibay ng CA

By Len Montaño June 23, 2018 - 10:36 PM

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang conviction sa dating aktor at kongresista ng Quezon City na si Dennis Roldan dahil sa kidnapping ng isang batang Filipino-Chinese noong 2005.

Sa 17-pahinang desisyon, ibinasura ng CA 14th Division ang apela ni Roldan, Mitchell Gumabao sa totoong buhay, na baligtarin ang ruling ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 noong August 26, 2014 na sinabing guilty ito sa kidnapping for ransom sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code.

Pinaburan ng CA ang desisyon ng mababang korte na napatunayan ng prosekusyon na guilty beyond reasonable doubt si Roldan sa pamamagitan ng mga testimonya at ebidensya.

Matatandaan na guilty ang hatol kay Roldan at dalawang kapwa akusado nito na sina Rowena San Andres at Adrain Domingo para sa pagdukot sa isang 3 anyos na batang biktima.

Humingi ang mga suspek ng P250 milyon na ransom sa pamilya ng bata na naibaba sa P10 milyon.

Si Roldan ay hinatulan ng reclusion perpetua o pagkakulong ng 20 hanggang 40 taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.