10 kilo ng shabu narekober ng mga pulis sa QC

By Den Macaranas June 23, 2018 - 10:45 AM

Inquirer file photo

Nahuli ng mga pulis ang lima katao sa ginawang buy-bust operation ng Quezon City Police District Station 10 sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod kagabi.

Sinabi ni QCPD Station 10 Commander Supt. Ariel Capocao na una nilang naaresto ang dalawang lalaki sa isinagawang operasyon sa Brgy. Immaculate Concepcion sa Cubao.

Umaabot sa dalawang kilo ng marijuana ang nakuha mula sa nasabing mga suspek.

Sa isinagawang interogasyon sa mga nahuling suspek ay itinuro nila ang pinagkukunan nila ng marijuana na kaagad namang nilusob ng mga pulis.

Sa follow-up operation ay nahuli ang tatlo pang mga suspek sa kanto ng Congressional Ave. at Gabriela Silang kung saan umaabot sa sampung kilo ng marijuana ang nakuha sa mga ito.

Pansamantala munang hindi inilabas ang pangalan ng mga arestadong suspek habang nagpapatuloy ang operasyon ng QCPD para matunton ang pinagkukunan nila ng iligal na droga.

Sa kabuuan ay umaabot sa 10 kilo ng marijuana sa mga suspek na may street value na umaabot sa P300,000.

TAGS: drugs, Marijuana, QCPD, quezon city, drugs, Marijuana, QCPD, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.