Habagat makakaapekto sa Northern Luzon ngayong araw

By Rhommel Balasbas June 23, 2018 - 04:26 AM

Walang binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA na maaaring makaapekto sa bansa sa kasalukuyan.

Batay sa 4am weather forecast ng weather bureau, tanging southwest monsoon o hanging habagat lamang ang umiiral sa Hilagang Luzon partikular sa Ilocos Region.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay maganda at mainit pa rin ang panahon ngunit mataas ang tyansa ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms pagsapit ng hapon o gabi.

Sa buong Visayas at buong Mindanao naman ay ‘generally fair weather’ o magandang panahon ang aasahan maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.