Archdiocese of Manila naglabas ng panalangin para sa mga napatay kabilang na ang mga pari

By Rhommel Balasbas June 23, 2018 - 12:02 AM

Archdiocese of Manila

Naglabas ng panalangin ang Archdiocese of Manila para sa mga biktima ng pagpatay kabilang na ang mga pari.

Sa naturang dasal, ipinanalangin ang mga taong sumisira sa kapayapaan at nagpapalaganap ng galit na nagiging dahilan ng karahasan.

Ipinanalangin din ang mga opisyal ng gobyerno na nawa ay gumalaw para sa kabutihang panlahat at magkarooon ng takot na hindi makagawa ng mga bagay na nakabatay sa pansariling interes at makamundong disenyo.

Hinihimok ang lahat ng parokya sa arkidiyosesis na ipagpatuloy ang pag-aalay ng misa at panalangin para sa mga biktima ng patayan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Chancellor Fr. Regie Malicdem, maaaring gamitin ang dasal sa mga community prayers bago o pagkatapos ng misa.

Maaari rin itong humalili sa karaniwang format ng Panalangin ng Bayan sa misa.

Mayroong salin sa Ingles at Tagalog ang inilabas na panalangin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.