Belmonte tutol sa pag-ban sa paggamit ng tricycle bilang school service

By Rhommel Balasbas June 23, 2018 - 01:05 AM

Tutol ang pamahalaang lokal ng lungsod Quezon sa ideya na ipagbawal ang paggamit ng tricycle bilang school service.

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, walang rason para i-ban ang mga tricycle tulad ng itinutulak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon sa bise-alkalde ang pamahalaang lokal ang naglalagay ng prangkisa sa mga tricycle at kailangan lang umano ng mas istriktong pagpapatupad ng batas tungkol sa school service.

Iginiit ni Belmonte na kailangan lang ng mas mahigpit na regulasyon na dapat ay sundin ng mga tricycle operators tulad ng hindi pagiging ‘colorum’ at pag-iwas sa overloading.

Anya pa, hindi hamak na mas mura ang pamasahe sa tricycle kaysa sa school service.

Noong taong 2014 ay ipinasa ni Belmonte ang isang ordinansa na naglilimita sa mga tricycle sa Quezon City na magsakay lamang ng apat na pasahero kasama na ang driver.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.