Mga lalaki mas gustong makasama ni Pangulong Duterte sa trabaho

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 02:05 AM

Mas gusto talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lalaki sa kanyang administrasyon.

Paliwanag ng presidente, ayaw niya sa mga babae dahil marami siyang mga utos, na magagawa raw ng mga lalaki.

Halimbawa ni Duterte, mauutusan niya ang sinumang lalaking opisyal na magtungo sa Marawi, na ayaw naman niyang ipagawa sa mga babae.

Mas sanay din umano ang pangulo na maka-trabaho ang hanay ng mga kalalakihan.

Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na may mga posisyon sa pamahalaan na mas bagay at nararapat sa mga kababaihan, gaya sa Department of Tourism (DOT) na ngayon ay pinamumunuan ni Secretary Berna Romulo-Puyat.

Matatandaang nabatikos ang punong ehekutibo dahil sa pahayag nito na bagama’t may kakayahan ang mga babae ay hindi raw kaya ng mga ito ang mga banta at intimidasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Duterte, na napupuna rin dahil sa ilan pang mysogonist remarks at mga joke laban sa mga kababaihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.