LGUs may pinakamaraming kaso sa Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 02:31 AM

Ang local government units (LGUs) ang nanguna sa listahan ng Office of the Ombudsman ng may pinakamaraming kaso na naisampa sa Sandiganbayan noong 2017.

Sa breakdown na inilabas ng Finance and Management Information Office (FMIO) ng Ombudsman, ang LGUs ay mayroong 3,189 cases kung saan 265 dito ay laban sa mga probinsya; 1,849 na mga kaso ay sa mga siyudad o munisipalidad; 1,065 cases sa mga barangay at sampung kaso sa unclassified LGUs.

Mas mataas ang bilang ng 12% kumpara sa 2,799 cases na nairekord noong 2016.

Pumangalawa naman ang Philippine National Police (PNP) na mayroong 939 cases, habang pangatlo ang Department of Education (DepEd) na may 310 cases.

Ang iba pang nasa 2017 list ng Ombudsman ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may 184 na kaso; at State Universities and Colleges (SUCs) na may 117 cases.

Karamihan sa isinampang mga kaso ay kriminal at administratibo.

Dagdag ng FMIO, kabuuang 2,477 informations ang naihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan, kung saan 1,457 dito ay indictments laban sa opisyal at personnel ng LGUs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.