Pangulong Duterte hindi inutusan ang PNP na arestuhin ang mga tambay

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 02:27 AM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ini-utos sa Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa mga “tambay.”

Sa kanyang speech sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi niya inutusan ang PNP na arestuhin ang lahat mga makikitang nakatambay sa lansangan.

Ang sinabi lamang daw niya ay dapat umuwi ang mga tambay sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon sa punong ehekutibo, hindi isang krimen ang pagtambay. Pero bilang tatay ng bansa, pwedeng arestuhin ang tambay kung nangangailangan ng proteksyon ang mga tao lalo na ang mga kababaihan na nabibiktima ng pambabastos.

Kaugnay nito, hinamon ni Duterte ang kanyang mga kritiko na i-akyat sa Korte Suprema ang isyu ng paghuli ng mga pulis sa mga tambay sa kalsada.

Aniya, may kapangyarihan ang mga pulis na mang-aresto, lalo na kapag lumabag ang mga ito sa batas o ordinansa.

Mula nang mag-umpisa ang anti-tambay ay aabot na sa 7,000 katao sa Metro Manila ang naaresto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.