Naglipanang P10K banknote peke ayon sa BSP

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 01:23 AM

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa lumitaw na P10,000 banknotes.

Paalala ng BSP, anim lamang ang denominations sa New Generation Currency (NGC) Banknote Series.

Ang mga ito ay ang 1,000, 500, 200, 100, 50 at 20 piso banknotes

Ayon sa BSP, “fake” o peke ang anumang 10,000 piso banknote, na lumabas sa social media.

Sa naturang peke na pera, may litrato ni dating Pangulong Ramon Magsaysay sa harapan habang Mount Pinatubo ang makikita sa likuran at nakasulat ang “sampunglibong piso.”

Banta ng BSP, ang forgery ng Philippine banknotes at ang paggamit ng pekeng pera ay may kaparusahan sa ilalim ng batas.

Apela ng BSP sa publiko, agad na i-report sa pulis o sa National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang forgery at paggamit ng pekeng banknotes, upang mahuli at makasuhan ang mga taong sangkot dito.

Ayon ng ahensya, marapat na magtulung-tulong ang lahat para mapreserba ang integridad ng Philippine currency sa pamamagitan ng pamamahagi lamang ng berepikado at totoong impormasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.