$18K cash sa loob ng ATM kinain ng isang daga sa India

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 01:05 AM

AFP Photo

Sa India — Hindi bababa sa $18,000 na banknotes sa loob ng automated teller machine o ATM ang nagkagutay-gutay matapos ngatngatin ng daga.

Ayon sa State Bank of India, inakala nila na sira lamang ang ATM sa SBI branch sa Tinsukia sa northeastern state ng Assam matapos na magreklamo ang ilang mga tao na hindi na naglalabas ng pera ang makina.

“Out of order” ang ATM mula pa noong May 20, hanggang sa napagpasyahan na ipabukas ito sa technicans ng bangko.

Laking gulat ng mga technician nang makita nilang gutay-gutay na ang mga pera at may isang daga na patay na.

Batay sa report, ang nasirang banknotes ay aabot sa 1.2 hanggang 1.3 million Rupees o katumbas ng mahigit $17,000 hanggang $19,000.

2.9 million Rupees o $42,685 na laman ng ATM, pero buti’t hindi nangatngat ng daga ang nasa 1.7 million Rupees o mahigit $25,000.

Sa imbestigasyon, ang daga ay sumingit sa isang butas na para sana sa kable, kaya nakapasok sa ATM.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.