P15M halaga ng pekeng car parts nasabat sa raid ng NBI

By Justinne Punsalang June 23, 2018 - 12:41 AM

IP Manila Associates

Nakumpiska ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang P15 milyong halaga ng pekeng mga car parts sa lungsod ng Las Piñas, Maynila, at Parañaque.

Nakuha ang mga pekeng car parts mula sa tatlong establisyimento: ang Freeze Point Trading, Unicool Marketing, at Las Piñas Motor Parts Corporation.

Napag-alaman ang tungkol sa pagbebenta ng mga pekeng car parts para sa mga brand na Kita at Hyundai matapos makatanggap ng ulat ang IP Manila Associates, na isang investigative company, tungkol dito.

Nagsagawa ng serye ng surveillance at sample purchase ang mga imbestigador ng IP Manila at nang isailalim ang mga nabiling car parts sa beripikasyon ay nadiskubreng peke ng ang mga ito.

Kaya namang agad na nakipagtulungan ang IP Manila sa NBI-IPRD at nakakuha ng search warrant na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Iba’t ibang spare car parts at produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng IP Manila at NBI-IPRD mula sa tatlong establisyimento. Karamihan sa mga nakuha ay mayroong markings ng Kia at Hyundai.

Nang siyasatin ni JaeHo Lee, Manager ng Intellectual Property Protection Team ng Hyundai Mobis Company Limited na silang supplier ng mga tunay na spare parts para sa Kia at Hyundai, ay nabatid na peke ang lahat ng mga produktong ibinibenta ng tatlong establisyimento.

Paalala ni Lee sa publiko, bumili lamang ng mga car parts sa mga lehitimong distributor katulad sa mga official service dealers upang hindi masakripisyo ang kaligtasan habang bumabyahe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.