K-pop girl group na Momoland bibisita sa bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 04:13 PM

Darating sa bansa ang K-pop girl group na Momoland sa buwan ng Agosto.

Inanunsyo ng grupo ang pagbisita sa Pilipinas sa ginawang Facebook live ng mga miyembrong sina Nancy, Daisy at Ahin.

Anila, August 18 ang planong pagtungo nila sa Pilipinas pero hindi pa natatalakay ang mga aktibidad na magaganap sa nasabing petsa.

Sinabi rin nila na excited silang makasama ang fans sa Pilipinas.

Ang pagbisita nila sa Pilipinas ay bahagi ng kanilang tour para sa bagong album na “Fun to the world” at single na “BAAM”.

Naging tanyag ng husto sa Pilipinas ang “Boom Boom” ng Momoland at maraming Pinoy kasama na ang mga celebrity ang gumawa ng “Boom Boom” dance challenge.

TAGS: Baam, Momoland, Baam, Momoland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.