Ellen Adarna nag-deactivate muli ng Instagram account

By Jimmy Tamayo June 22, 2018 - 12:31 PM

Muli na namang nag-deactivate ng Instagram account ang sexy star na si Ellen Adarna.

Simula kahapon, hindi na matagpuan ang IG account ni Adarna kahit ng kaniyang mga follower.

Wala na rin ito sa IG account ng kaniyang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-deactivate ng kanyang Instagram ang sexy star.

Noon lang Pebrero, dine-activate na rin ni Ellen ang kanyang IG at pinalitan ito ng bagong private account.

Kamakailan, kumalat ang larawan ng buntis na si Ellen na kuha sa isang ospital sa Cebu kung saan sinasabing nakatakda itong manganak.

TAGS: ellen adarna, Instagram, John Lloyd Cruz, ellen adarna, Instagram, John Lloyd Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.