LOOK: Jeep at PH flag tampok sa bagong single ng Momoland na “Baam”

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 12:13 PM

Usap-usapan ngayon ng Filipino netizens ang upcoming single ng Korean girl group na Momoland.

Sa music video teaser kasi ng kanilang comeback song na “Baam”, kabilang sa itinampok ang Pilipinas.

Makikitang umiindak ang Momoland sa gitna ng nagbabago-bagong backdrop na tila ba nilibot nila ang ilang mga bansa.

Makikita rito ang mga jeep at watawat ng Pilipinas.

Sa ngayon, nasa mahigit isang milyong views ng music video teaser.

Nakilala ang Momoland sa bansa dahil sa hit single nito na Bboom Bboom. Mas nakilala pa ng Pinoy fans ang Kpop girl group dahil sa myembro nitong si Nancy McDonie dahil sa sinasabing pagkakahawig nito sa aktres na si Liza Soberano.

Nakatakdang ilabas ang music video ng Momoland para sa kanilang comeback song na BAAM sa June 26.

TAGS: Baam, Momoland, PH Flag, PH Jeepneys, Baam, Momoland, PH Flag, PH Jeepneys

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.