Drug suspect patay sa operasyon sa Cavite

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 11:36 AM

Patay sa operasyon ng pulisya ang isang tulak ng droga sa Silang, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Junelson Valencia.

Ayon sa pulisya, ikinasa nila ang isang buy-bust operation kaninang alas-5:00 ng umaga sa Barangay Kaong.

Pinagbentahan ni Valencia ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang undercover police.

Bigla na lang humugot ng baril si Valencia at binaril ang mga pulis dahilan para mauwi ito sa engkwentro at mapatay siya.

TAGS: cavite, drug suspect, cavite, drug suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.