Abogado at security guard patay sa pananambang

By Erwin Aguilon June 22, 2018 - 10:44 AM

Patay ang isang 62 taong gulang na abogado at isang security guard makaraang pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang suspek sa Apple 1 Subd, Cainta Rizal.

Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director Sr/Supt. Lou Evangelista ang nasabing mga biktima na sina Atty. Joey Galit na residente sa lugar at security guard na si Jesus Mateo.

Sakay ng isang kulay silver na Subaru Wagon na may plakang ABH-6819 ang biktima kasama ang kaniyang asawa.

Pagdating malapit sa gate ng subdivision pinagbabaril ang biktima ng apat na suspek.

Tinangka pang agawin ng guwardiya ang baril ang isa sa mga suspek subalit pinaputukan din ito.

Isinugod pa sa ospital ang mga biktima pero idineklarang patay ng mga manggagamot.

Tumakas naman ang mga suspek na naglakad lang patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Kaugnay nito, bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Rizal PNP para maresolba ang krimen.

TAGS: ambush, Cainta Rizal, Lawyer, Security guard, ambush, Cainta Rizal, Lawyer, Security guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.