1,000 customer ng Maynilad sa Valenzuela nakaranas ng water interruption

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 09:03 AM

Aabot sa 1,000 customer ng Maynilad sa Valenzuela City ang nawalan ng suplay ng tubig.

Ito ay dahil sa gagawing pagkumpuni sa nasirang tubo ng tubig ng Maynilad sa M.H Del Pilar Street sa Barangay Palasan.

Nagsimulang masira ang tubo ng tubig Huwebes ng hapon at pagsapit ng alas 10:00 ng gabi ay tuluyan nang bumulwak ang tubig.

Ayon kay Maynilad corporate communications head Jen Rufo, maaring napinsala ang tubo sa nagpapatuloy na road repair ng Department of Public Works and Highways sa lugar o pwede ring nasira dahil sa labis na kalumaan.

Sinabi nI Rufo na ginagawa na nila ang lahat para mabilis na maisaayos ang nasirang tubo.

May mga naideploy na rin na water tanker sa mga apektadong lugar sa Valenzuela para magsuplay ng tubig.

TAGS: maynilad, Radyo Inquirer, Valenzuela City, water interruption, maynilad, Radyo Inquirer, Valenzuela City, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.