Ibang kaalyado ni ex-PNoy dapat makasuhan sa DAP controversy — Malacañan

By Chona Yu June 21, 2018 - 11:58 PM

Umaasa ang Palasyo ng Malacañan na mas marami pang kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang makakasuhan dahil sa maanomalyang pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginamit umano bilang pangsuhol sa mga senador para mapatalsik sa puwesto ang namayapang si dating Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lang DAP ang dapat na habulin ng Ombudsman kundi maging ang mga opisyal ng gobyerno na dawit din sa pork barrel scam.

Sa panig ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ngayong kakasuhan na ng Ombudsman si Aquino ng usurpation of legislative powers ay dapat na ring bususiin ng Ombudsman ang iba pang opisyal para makasuhan ng administratibo at kriminal.

Ayon kay Panelo, welcome sa Palasyo ang hakbang ng Ombudsman para papanagutin ang mga taong responsable sa pagwaldas sa pondo ng DAP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.