Mga nanlaban at napatay sa drug war walang makukuhang hustisya ayon sa Malacañan

By Chona Yu June 21, 2018 - 11:53 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañan na walang makukuhang hustiysa ang mga napatay na drug suspect matapos manlaban sa mga pulis.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang makakamit na hustisya ang mga napatay sa drug operations.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makakukuha pa rin ng hustisya ang mga napatay na drug suspect na biktima ng pagmamalabis ng mga pulis o ang paggamit sa excessive force.

Bwelta ni Roque, anong katarungan ang ibibigay ng pamahalaan sa mga nagbebenta ng iligal na droga.

Tinatayang nasa 4,000 katao na ang naiulat na nasawi sa bansa dahil sa anti-drug operation sa ilalim ng Duterte administration.

“Anong mga katarungan ang ibibigay mo kung nanlaban ang napatay? Iyung mga nagbebenta ng droga, nahuli in the act, napatay dahil nanlaban, yun ang sinasabi ng presidente. Wala kang makukuhang katarungan doon eh dahil it’s a lawful use of force,” ani Roque.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.