PNP Chief Oscar Albayalde hindi na dapat sumawsaw pa anti-tambay campaign — Sen. Lacson

By Jan Escosio June 22, 2018 - 01:05 AM

Naniniwala si Senador Ping Lacson na dapat ay ibalato na ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga lokal na pulisya ang pagsasagawa ng anti-tambay campaign.

Sinabi ni Lacson na kung sinasabi mismo ni Albayalde na ipinatutupad lang nila ang mga ordinansa, pag-amin na rin ito na isa lamang itong lokal na isyu at hindi pambansa.

Ayon sa senador, hindi nakakatulong ang tila pagbibida pa ni Albayalde sa ginawa nilang paghuli sa mga tambay sa kalsada.

Paliwanag ni Lacson si Albayalde ang nagpapaliwanag at nagbibigay katuwiran sa kanilang ginagawa sa halip ang mga hepe ng lokal na pulisya at dito umuusbong ang pagdududa at kritisismo.

Ibinigay pang halimbawa ni Lacson ang ginawa sa Davao City ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ito pa ang alkalde ng lungsod, gayundin sa Marikina City ng noong alkalde na si Bayani Fernando.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.