Mga establisyemento at bahay sa Boracay hiniling na pakonektahim sa sewer system

By Erwin Aguilon June 22, 2018 - 01:04 AM

Nais ng pamunuan ng Boracay Water na obligahin ng pamahalaan ang mga bahay at establisemento sa Boracay na kumunekta sa sewer system.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources, hiniling ni Boracay Water Chief Operating Officer Joseph Michael Santos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pilitin ang mga establisemento na kumunekta sa kanilang sewer system.

Dapat aniyang samantalahin ng mga ito ang pagkakataon habang sarado pa ang isla ng Boracay dahil hindi nila kakayanin kapag nagsabay-sabay ang mga ito.

Sa tala ng Boracay Water, 51% lamang sa mga eatablisemento ang konektado sa kanila habang 5% lamang naman ang mga kabahayan.

Sinabi ni Santos na ang mga hindi konektado sa kanilang sewer system ay maaaring gumagamit ng drainage ng Boracay para sa pagtatapon ng kanilang waste water.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.