Mga mambabatas dapat na nakapagtapos ng kolehiyo sa ilalim ng federal government

By Len Montaño June 22, 2018 - 03:48 AM

Dapat na mayroong college degrees ang mga mambabatas para bumuti ang estado ng lawmaking sa bansa.

Ipinanukala ni dating Chief Justice Reynato Puno na may college degrees ang mga senador at kongresista at ang ganitong polisiya ay isusulong na bagong paraan at kwalipikasyon sa pagboto ng mga mambabatas.

Ayon kay Puno, na namumuno sa Constitutional Commission (Concom) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aralan ang 1987 Constitution, ang mga senador ay manggagaling sa mga federated regions o iboboto sa kada rehiyon at hindi sa national level.

Ang bawat rehiyon aniya ay magkakaroon ng tatlong senador.

Dagdag ni Puno, sa ilalim ng federal form of government, madaragdagan din ang bilang ng mga kongresista na katumbas ng populasyon ng kinatawan nito at para masama ang marginalized sector.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.