Pagdinig sa Mamasapano case gagawin na sa Taguig City

By Len Montaño June 22, 2018 - 03:02 AM

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na ilipat ang venue ng mga kasong kriminal kaugnay ng Mamasapano encounter.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, dahil sa posibleng mga isyu sa seguridad, hiniling nila sa Supreme Court na ilipat ang paglilitis ng mga kaso sa Metro Manila at napagbigyan ito.

Ang mga Mamasapano cases aniya ay lilitisin na sa Regional Trial Court sa Taguig City.

Noong January 2015 ay nasa 67 na katao, kabilang ang 44 Special Action Force troopers ang namatay sa pumalpak na operasyon para arestuhin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyan Marwan na kasama sa mga nasawi.

Nasa 88 katao na kinabibilangan ng mga rebeldeng Moro at 5 miyembro ng private armed groups ang nahaharap sa kasong direct assault with murder sa Shariff Aguak Maguindanao Regional Trial Court Branch 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.