Poverty threshold para sa pamilyang Pilipino, pinababago sa gobyerno

By Isa Avendaño-Umali June 22, 2018 - 03:36 AM

Naniniwala ang IBON Foundation na panahon nang rebisahin ang poverty threshold para maging makatotohanan ang poverty reduction target ng gobyerno.

Kasunod ito ng naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia kamakailan na mabubuhay na ang isang pamilya na may limang miyembro sa kitang P42,000 kada buwan dahil disenteng kita na ito at mataas na sa poverty line.

Ayon sa IBON Foundation, siyam sa bawat sampung pamilyang Pilipino ang hindi nakaaabot sa kitang ito, na sinasabi ni Pernia na disente na.

Batay na rin sa family income and expenditure survey, 20 million na pamilyang Pilipino ang kumikita ng wala pang P42,000 bawat buwan.

Ito ay para pa sa lahat ng size ng pamilya bagaman ang average household size sa bansa ay nasa 4.4 na miyembro.

Sa kasalukuyan, ang poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa mahigit P9,000 kada buwan lamang para sa pamilyang may limang miyembro o P60.43 kada araw.

Giit ng IBON Foundation, masyadong mababa ito at hindi na talaga makatotohanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.