Pabuya para sa makapabibigay impormasyon tungkol kay Abu Dar lumobo na sa P6M

By Rhommel Balasbas June 22, 2018 - 03:52 AM

Dinoble na ang pabuya para sa mga makapagsusuplong sa mga awtoridad sa sinasabing bagong emir ng Islamic State sa Southeast Asia na si Abu Dar.

Mula sa inisyal na P3 milyon ay umakyat na ito sa P6 milyon ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner.

Ayon sa opisyal, naging posible ang pagdoble sa pabuya dahil sa kontribusyon ng mga lokal na opisyal sa Lanao del Sur.

Nagpapatuloy ang pursuit operations ng militar laban kay Dar at sa mga natitirang miyembro ng Maute Terror Group na muling nagpasimula ng gulo noong Linggo.

Ayon kay Brawner, nahihirapan ang tropa ng gobyerno na mahuli si Dar dahil nagtatago ito sa kagubatan.

Sa ngayon ay nasa ikaanim na araw na ang bakbakan ng gobyerno at Maute group kung saan umaabot na sa 11,000 katao ang inilikas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.