Pope Francis hinimok ang mga Kristyano na magtulungan upang makamit ang kapayapaan

By Justinne Punsalang June 22, 2018 - 01:42 AM

AP Photo

Hinimok ni Pope Francis ang lahat ng mga Kristyano sa buong mundo na magsama-sama at magtulungan upang makamit ang kapayapaan at hustisya.

Sa pagbisita ng Santo Papa sa Geneva, Switzerland ay sinabi nito na hindi dapat magpadala ang mga Kristyano at gamiting ang religious differences sa ibang mga sekta upang buwagin ang pagkakaisa ng nakararami.

Layon ng pagbisita ni Pope Francis sa Geneva ang ipakita sa lahat na pwedeng magbuklod-buklod ang lahat, kabilang man sa magkakaibang relihiyon at paniniwala upang maabot ang kapayapaan at hustisya sa buong mundo.

Dagdag pa ni Pope Francis, napatunayan na sa kasaysayan na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon at paniniwala ay nagdudulot lamang ng giyera at pagkawasak.

Kaya naman ayon sa santo papa, dapat na iwanan na ng lahat ang daantaong hindi pagkakasundo at magsama-sama para sa isang mas malaki at makabubuting layunin.

Aniya pa, dapat ay mag-focus ang mga Kristiyano sa kung anuman ang magbubuklod sa lahat at hindi ang magdadala ng pagkakawatak-watak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.