Xian Lim at Nadine Lustre magtatambal sa isang pelikula

By Justinne Punsalang June 22, 2018 - 12:00 AM

Magkakaroon ng bagong pelikula si Nadine Lustre — ngunit hindi niya rito makakasama ang on-and-off screen boyfriend na si James Reid.

Sa halip ay tatlo ang kanyang magiging leading men na pangungunahan ni Xian Lima. Ang dalawang iba pa ay sina AJ Muhlach at Marco Gumabao.

Sa naganap na story conference para sa pelikulang ‘Ulan’ ay sinabi ng direktor na si Irene Villamor na matagal na niyang naisulat ang script para sa pelikula. Sa katunayan aniya ay sa tuwing umuulan niya nirerevise ang script.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Villamor tungkol sa pelikula. Ngunit aniya, tungkol ito sa pagmamahal sa sarili.

Samantala, sinabi naman ni Nadine na bagaman hindi si James ang kanyang makakatambal ay excited ang JaDine fans para sa pelikula.

Sa ngayon naman ay inaabangan ng mga JaDine fans ang pelikula ni James kasama si Sarah Geronimo at Xian Lim na ‘Miss Granny.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.